mga halimbawa sawikain
1. mga halimbawa sawikain
Answer:
luha ng buwayadi-makabasag pinggankumagat sa painExplanation:
Answer:
Bukas palad = Matulungin
Amoy pinipig = Mabango
Kabiyak ng dibdib = Asawa
Butas ang bulsa = Walang pera
Lantang gulay = Sobrang pagod
2. sawikain mga halimbawa
Ang taong di marunong mag mahal ng sariling wika, ay Mas malansa pa sa isang isda.......
3. mga sawikain at kahulugan
Answer:
Saying (Kasabihan)
A saying is any concisely written or spoken expression that is especially memorable because of its meaning or style. Sayings are categorized as follows: Aphorism: a general, observational truth; "a pithy expression of wisdom or truth".
4. mga kahugan nang sawikain
Answer:
•luha ng buwaya:hindi totoong nagdadalamhati,nagkukunwari,pakitang tao.
•di-makabasag ng pinggan:mahinhin kumilos
•kumagat sa pain:naloko,nalinlang,napaniwala agad
•nagbibilang ng poste:Walang trabaho
•ibinalanggo sa mga bisig:niyakap ng mahigpit
Explanation:
i hope it helps5. Mga sawikain o kasabihan
Answer:
Explanation:
1. Balat-Sibuyas
2. Binibuhat ang Sariling Bangko
3. Kape at Gatas
4. Bahag ang Buntot
5. Bakas ng Kahapon
6. Bukas na Aklat
SALAWIKAIN :
. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan hindi makararating
sa paroroonan.
PALIWANAG : Pagtanaw ng utang na loob
6. mGa sawikain at salawikain
ang sawikain ay komakain
ang salawikain naman ay .. hindi kodin alam
sorry po
sana maka tolong po ang number 1
7. Mga halimbawa ng sawikain
Narito ang Ilang Halimbawa ng mga Sawikain.
Amoy Tsiko. Anak Pawis Asal Hayop Bantay Salakay Bilang na ang Araw Butas ang Bulsa Di-Makabasag Pinggan Di-Malaglagan ng Karayom Halang ang Kaluluwa Isang Kahig, Isang Tuka.
Narito ang kanilang Mga Kahulugan at Mga Halimbawa Ayon sa Pagkakasunud-sunod.
Ang kahulugan: Lasing, nakainom o lango sa alak. Halimbawa: Umuwi na naman ang asawa mo na amoy tsiko kagabi. Ang kahulugan: Mga manggagawa, o pangkaraniwang mga tao. Halimbawa: Ipinaglalaban ng mga anak-pawis ang kanilang mga karapatan sa lipunan. Ang kahulugan: Masama ang ugali, mabangis. Halimbawa: Edukadong tao nga, asal hayop naman. Ang kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan. Halimbawa: Akala mo mabait na tao talaga, yun pala bantay salakay din pala. Ang kahulugan: Ilang araw na lamang ang ibubuhay, o ilang araw na lang ang nalalabi, o ilalagi. Halimbawa: Bilang na ang araw mo, kaya magpakasaya kana at gawin ang lahat ng gusto mo. Ang kahulugan: Walang pera, o salapi. Halimbawa: Butas ang bulsa ko ngayon, sa susunod niyo nalang ako isama sa galaan ninyo. Ang kahulugan: Mahinhin kumilos, hindi magaslaw. Halimbawa: Di-makabasag pinggan ang mga kilos ng aking sinisinta, kung kaya’t nagustuhan ko siya noon. Ang kahulugan: Madaming tao. Halimbawa: Di-malaglagan ng karayom ang Quiapo noong pista sa dami ng tao. Ang kahulugan: Sobrang sama. Halimbawa: Halang ang kaluluwa ng gumawa ng karumal-dumal na krimen na yan. Ang kahulugan: Mahirap ang Pamumuhay. Halimbawa: Ang pamilya nila Isko ay nabubuhay na lamang sa isang kahig isang tuka na pamumuhay araw-araw.
Para sa karagdagan pang mga Halimbawa ng Sawikain, pakisuyong i-click ang mga link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/134836
https://brainly.ph/question/553843
Ano ang Sawikain?
Sa ingles ito ay idiomatic expression. Ang sawikain ay mga salita o maiiksing pangungusap na hindi tuwirang nagbibigay ng kahulugan o paglalarawan may kaugnayan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari. Maaaring tumukoy ito sa Idyoma, Moto, at Salawikain. Ang Idyoma ay isang pagpapahayag o mg pananalita na ang kahulugan ay hindi komposisyonal, ibig sabihin hindi ito binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga salita na bumubuo. Ang moto, ay paritrala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao. Ang salawikain naman ay mga kasabihan o kawikaan.
Nagbibigay ito ng aral at kadalasan nang nagpapahiwatig ng sentimiento. Malalim ang mga salita sa sawikain at pinapalitan ng pangkaraniwang tawag kung kaya ito ay nagiging isang pahayag na matalinghaga.
Para sa karagdagang pang impormasyon may kaugnayan sa Sawikain, pakisuyong i-click ang link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/582258
8. mga halimbawa ng sawikain?
ang lumakad na matulin,kung matinik ay malali = maingat na pagpasiya
ang lingon ng lingon sa pinanggalingan,bangin ang kababagsakan- sapagtanaw ng utang na loob isipin din ang sariling kapakanan
올림
공원 태연 / TaengPark
pag may tiyaga may nilaga, pag gustomaraming paraan, pag ayaw maraming dahilan. tulask ng bibig kabig ng dibdib. pagkahabahaba man ng prusisyon sa simbahan pa rin ang tuloy.
hope it helps
-ninah :)
9. sawikain netong mga larawan
Answer:
1,tawag ng kalikasan
2,mahaba ang kamay
3,
10. mga halimbawa ng sawikain?
BAKAS NG KAHAPON
BINUBUHAT ANG SARILING BANGKOKung nagbibigay ma't mahirap sa loob ang pinakakain ay 'di mabubusog.
11. Mga halimbawa ng sawikain
Answer:
Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng lupa. Assignment ko din yan ngayun..
12. Mga halimbawa ng mga sawikain
Sawikain o Idyoma
1.) butas ang bulsa - walng pera
2.) ilaw ng tahanan – ina
3.) bukas ang palad – matulungin
13. mga salitang naghahambing sawikain
Answer:
5 HALIMBAWA NG SAWIKAIN
Usad-pagong - Mabagal
Alog na ang baba - Matanda Kamay na bakal
Parang suman – masikip ang damit
Basang sisiw – kaawa-awa, inaapi.
Parehong kaliwa ang paa – hindi marunong sumayaw
5 HALIMBAWA NG SALAWIKAIN
Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan. Kapag may isinuksok, may madudukot. Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo. Kung may tinanim, may aanihin. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sarili. PAGKAKAIBA NG SAWIKAIN AT SALAWIKAIN
Ang sawikain o idiyoma ay mga salitang patalinhagang karaniwang ginagamit sa araw-araw. Ito ay nagbibigay ng di-tiyak na kahulugan ng salitang isinasaad nito. Ito’y nagbibigay ng di tuwirang kahulugan o nababalutan nang higit na malalim na kahulugan.
Samantalang ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay ng magagandang aral at gabay sa pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa. Ito ay isang tuntunin o kautusang kinilala at pinatibay ng isang karanasan. Ito rin ay nag-uugnay lalong-lalo na sa mga bagay at kapakanang maaaring mangyari na pwede nating gamitin sa totoong buhay.
IBA PANG HALIMBAWA NG SAWIKAIN
Anak-dalita - mahirap Bukal sa loob - mabait Mahigpit na pamamalakad -- malupit Amoy ubas/Amoy tsiko - lasing Sariwa sa alaala - palaging naaalala, hindi makalimutan Bakas ng kahapon - Nakaraan, alaala ng kahapon Namamangka sa dalawang ilog - Salawahan, nangangaliwa Namamayabas - Hindi nag-aaral nang mabuti. Hinahabol ng karayom – may sira ang damit Parang suman – masikip ang damit
IBA PANG HALIMBAWA NG SALAWIKAIN
Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa Lahat ng gubat ay may ahas Kung ano ang puno, siya ang bunga Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin Kung may isinuksok, may madudukot Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan. Ang taong walang kibo ay nasa loob ang kulo. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:
Pagkakaiba ng Salawikain, Sawikain at Kasabihan: brainly.ph/question/12284
#BetterWithBrainly
14. halimbawa ng mga sawikain
1.Bukas Ang palad =matulungin -talagang bukas Ang palad ni Rodrigo pagdating sa mga kasama niyang mangingisda
2.Amoy pinipig=Mabango- palaging Amoy pinipig Ang guro nila sa Filipino
3.Kabiyak Ang Dibdib=asawa- sa bayan nagtatrabaho ang kabiyak Ang Dibdib ni Aling Myrna
15. mga halimbawa ng sawikain
Ano ang Sawikain?
Ang sawikain o idiom sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga na nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari
Ito ay may dalang aral at kadalasan ay nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o grupo ng mga tao.
Matatalinghaga an gang mga pahayag at kadalasan malalalim ang ginagamit na salita na pinapalitan nang pangkaraniwang tawag.
Narito ang halimbawa ng sawikain pati na rin ang kahulugan nito at kung paano ito ginagamit sa pangungusap.
1. Abot-tanaw
Kahulugan: NaaabAno ang Sawikain?
Ang sawikain ot ng tingin
Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.
2. Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi
Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.
3. Alilang-kanin
Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.
4. Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.
5. Amoy tsiko
Kahulugan: Lango sa alak, lasing
Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.
6. Anak-dalita
Kahulugan: Mahirap
Halimbawa: Marami akong kaibigan na anak-dalita.
Anak-pawis
Kahulugan: Manggagawa, pangkaraniwang tao
Halimbawa: Ako ma’y anak-pawis rin.
8. Asal hayop
Kahulugan: Masama ang ugali
Halimbawa: Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop.
9. Balat-kalabaw
Kahulugan: Matapang ang hiya
Halimbawa: Balat-kalabaw na talaga kahit noon pa.
10. Balik-harap
Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa: Bakit kaya may mga taong balik-harap?
Para sa karagdagang impormasyon sumangguni sa link:
https://brainly.ph/question/599023
https://brainly.ph/question/135010
#LetsStudy
16. halimbawan ng mga sawikain
Answer:
Bukas ang palad (matulungin)
Kabiyak ng dibdib (asawa)
Butas ang bulsa (walang pera)
Answer:
Mga halimbawa ng sawikain:
1.) Butas ang bulsa
2.) Kilos Pagong
3.) Agaw-buhay
4.) Nagbibilang ng Poste
5.) Lumaki ang ulo
6.) Mainit ang ulo
7.) Ningas-Kugon
8.) Pusong mamon
9.) Tulak ng bibig
10.) Bukas ang isip
17. MGA halimba Ng MGA sawikain
Answer:
1. Bukas-palad
2. Nagbibilang ng poste
3. Nagsusunog ng kilay
4. Balat-sibuyas
5. Nagbubutas ng upuan
Explanation:
kahulugan
1. Mapag-bigay
2. Walabg trabaho o tambay
3. Babad sa pag-aaral
4. Iyakin o madamdamin
5. Di nakikipag-kooperasyon
Explanation:
1. Butas ang bulsa
2. Isang kayod isang tuka
3. Naghihigpit ng sinturon
4. Balat sibuys
5. Nagsusunog ng kilay
18. mga positibong sawikain
Answer:
•Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
Halimbawa: Hindi na daw kasi amoy pinipig si Aling Grasya kaya iniwan na ng asawa.
•Bukas ang isip
Kahulugan: Tumatanggap ng opinyon ng kapwa
Halimbawa: Buti pa si Diego, bukas ang isip sa mga ganyang usapin.
•Bulaklak ng lipunan
Kahulugan: Sikat at respetadong babae sa lipunan
Halimbawa: Si Agnes ay itinuturing na bulaklak ng lipunan.
19. mga uri ng sawikain
Explanation:
Palaisipan, Yun yata ang sagot
20. mga halibawa ng sawikain
itaga sa bato
ahas
bantay salakay
bukal sa loob
haligi ng tahanan Pusong bato
Pusong mamon
Mahangin ang ulo
Magsunog ng kilay
Luha ng buwaya :D
21. mga kahulugan Ng mga sawikain
1. Abot-tanaw
Kahulugan: Naaabot ng tingin
Halimbawa: Aking napagtanto na tayo pala ay abot-tanaw ng Panginoon.
2. Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi
Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay.
3. Alilang-kanin
Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng kanyang Tiya Ising.
4. Amoy pinipig
Kahulugan: Mabango, nagdadalaga
Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.
5. Amoy tsiko
Kahulugan: Lango sa alak, lasing
Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.
6. Anak-dalita
Kahulugan: Mahirap
Halimbawa: Marami akong kaibigan na anak-dalita.
7. Anak-pawis
Kahulugan: Manggagawa, pangkaraniwang tao
Halimbawa: Ako ma’y anak-pawis rin.
8. Asal hayop
Kahulugan: Masama ang ugali
Halimbawa: Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop.
9. Balat-kalabaw
Kahulugan: Matapang ang hiya
Halimbawa: Balat-kalabaw na talaga kahit noon pa.
10. Balik-harap
Kahulugan: Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa: Bakit kaya may mga taong balik-harap?
11. Balitang kutsero
Kahulugan: Maling balita / Hindi totoong balita
Halimbawa: Magaling sa balitang kutsero si Mang Victor.
12. Bantay-salakay
Kahulugan: Hindi mapagkakatiwalaan
Halimbawa: Akala mo’y mabait ngunit bantay-salakay naman pala.
13. Basa ang papel
Kahulugan: Bistado na
Halimbawa: Basa na ang papel ng prinsipal ang inyong ginawa kaya huwag na kayong magsinungaling.
14. Basag-ulo
Kahulugan: Away
Halimbawa: Mahilig sa basag-ulo si Paking.
15. Bilang na ang araw
Kahulugan: Malapit ng mamatay
Halimbawa: Bilang na ang araw ni Aling Linda.
16. Buhok anghel
Kahulugan: May magandang buhok
Halimbawa: Si Kat ay may buhok anghel.
17. Bukal sa loob
Kahulugan: Taos puso tapat
Halimbawa: Bukal sa loob ni Henry ang pagtulong asa kapwa.
18. Bukang liwayway
Kahulugan: Malapit nang mag-umaga
Halimbawa: Hindi namalayan ni George ang oras kaya bukang-liwayway na ng siya’y makauwi.
19. Bukas ang isip
Kahulugan: Tumatanggap ng opinyon ng kapwa
Halimbawa: Mabuti na lamang at bukas ang isip ni Abel sa mga usaping iyan.
20. Bukas na kaban
Kahulugan: Mapagkawanggawa
Halimbawa: May bukas na kaban si Aling Tasya sa mga mahihirap.
21. Bulaklak ng lipunan
Kahulugan: Sikat at respetadong babae sa lipunan
Halimbawa: Si Ginang Milagros ay itinuturing na bulaklak ng lipunan.
22. Bumangga sa pader
Kahulugan: Lumaban sa makapangyarihan at mayamang tao
Halimbawa: Kahit pa bumangga sa pader ay gagawin ni Tonyo huwag lamang maging sunud-sunuran sa mga ito.
23. Bungang-tulog
Kahulugan: Panaginip
Halimbawa: Bungang-tulog lang pala! Akala ko’y totoo na.
24. Buntong hininga
Kahulugan: Himutok, hinagpis
Halimbawa: Napa-buntong hininga na lang si Mang Ben ng masaksihan ang aksidente.
25. Busilak ang puso
Kahulugan: Malinis ang kalooban
Halimbawa: Busilak ang puso ng batang si Angel.
26. Butas ang bulsa
Kahulugan: Walang pera
Halimbawa: Butas ang bulsa ni Mang Cesar kung kaya’t hindi siya nakabayad agad ng kuryente.
27. Buto’t-balat
Kahulugan: Sobrang kapayatan
Halimbawa: Halos buto’t balat na si Boyet ng dalawin namin.
28. Buwaya sa katihan
Kahulugan: Ususera, nagpapautang na malaki ang tubo
Halimbawa: Buya sa katihan naman yang si aling Iska.
29. Di mahapayang gatang
Kahulugan: Sobrang yabang
Halimbawa: Aminado naman si Ruben na siya ay di mahapayang gatang kaya kaunti lang ang kanyang kaibigan.
30. Di makabasag-pinggan
Kahulugan: Mahinhin
Halimbawa: Sadya namang di makabasag pinggan iyang anak ni Ka Miling.
31. Di malaglagang karayom
Kahulugan: Napakaraming tao
Halimbawa: Di malaglagang karayom ang rally kanina.
32. Galit sa pera
Kahulugan: Gastador
Halimbawa: Ang asawa ni Petra ay parang laging galit sa pera tuwing araw ng swelduhan.
33. Ginintuang tinig
Kahulugan: Maganda ang boses
Halimbawa: Si Elizabeth ay may ginintuang tining kaya laging nagwawagi sa tunggalian ng kantahan.
34. Guhit ng tadhana
Kahulugan: Itinakdang kapalaran
Halimbawa:Siya na yata ang guhit ng aking tadhana.
35. Halang ang kaluluwa
Kahulugan: Masamang tao
Halimbawa: Halang ang kaluluwa ng taong gumawa ng karumal-dumal na krimen.
22. Mga sawikain pls mga pangngusap
Answer:
Balik-harap
Kahulugan:Mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran
Halimbawa:Bakit kaya may taong balik-harap
Explanation:
hpoe it helps po
23. mga layunin ng sawikain
Answer:
Ang sa iba'y ginawa mo,
Siya ring gagawin sa iyo.
Explanation:
Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na nagbibigay o nagpapanuto ng magagandang aral o gabay sa pamumuhay, sa asal, sa pakikipagkapwa
24. mga sawikain halimbawa
Answer:
ilaw ng tahanan
bukas ang palad
butas ang bulsa
Kahulugan:
ilaw ng tahanan- nanay, ina (mom)
bukas ang palad- matulungin (helpful)
butas ang bulsa- walang pera (no money)
Answer:
MGA HALIMBAWA NG SAWIKAIN:
Bukas ang Palad = MatulunginAmoy Pinipig = MabangoKabiyak ng Dibdib = AsawaLantang Gulay = Sobrang pagodButas ang bulsa = Walang peraNagsusunog ng Kilay = Masipag mag-aralMakapal ang Palad = MasipagKilos Pagong = MabagalMapurol ang Utak = Hindi matalino25. mga halimbawa ng sawikain
Answer:
1.kilos pagong
2.luha ng buwaya
3. di-makabasag pinggan
4. kumagat sa pain
5. ibinilanggo sa mga bisig
Explanation:
1.mabagal kumilos
2.hindi totoong nagdadalamhati
3. mahinhin kumilos
4. naloko, nalinlang, napaniwala agad
5. niyakap ng mahigpit
26. mga halimbawa ng sawikain
butas ang bulsa ( walang pera )
ilaw ng tahanan ( ina )
ikurus sa noo ( tandaan )
bukas ang palad ( matulungin)
nagbibilang ng poste ( walang trabaho)
ibaon sa hukay ( kalimutan )
balik- harap ( mabuti ang pakikitungo pagnakaharap sa sayo pag nakatalikod ay taksil)
27. example of mga sawikain
Answer:
anak pawis-anak mahirap
amoy stiko-lasing
balat kalabaw-hindi marunong mahiya
ayan po..
28. Mga katangian ng sawikain
Answer:
Maaaring ito ay idioma na gumagamit ng mga salitang patalinghaga o may mas malalim na kahulugan.
Answer:
Mga pahayag o salita na nagtataglay nang talinghaga at nagpapakita ng malalalim na salita o kahuluagn
29. Ano ang sawikain? Magbigay ng mga halimbawa ng sawikain at ang kahulugan nito.
☘ Just Click The Picture . Rude po eh ☘
Answer:
ang sawikain ay mga matatalinghag ang salita na karaniwang ginagamit sa pang araw araw na buhay.ito ay kadalasang salita o kalipunan ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang kahulugan o kampo sisyunal.ito rin ay maaaring isang motto o pagpapahayag ng damdamin.
Explanation:
halimbawa:
1.di-makabasag pinggan
2.halik ni hudas
3.ibinilanggo sa mga bisig
4.luha ng buwaya
5.karayom sa gitna ng dayami
6.ringas kugon
7.pulot gata
8.utak biya
9.tengang kawali
10.saling pusa
30. Halimbawa ng mga sawikain
Answer:
1. Bukas ang Palad = Matulungin
Talagang bukas ang palad ni Rodrigo pagdating sa mga kasama niyang mangingisda.
2. Amoy Pinipig = Mabango
Palaging amoy pinipig ang guro nila sa Filipino.
3. Kabiyak ng Dibdib = Asawa
Sa bayan nagtratrabaho ang kabiyak ng dibdib ni Aling Myrna.
4. Butas ang bulsa = Walang pera
Maraming bayarin sa bahay nila kaya butas ang bulsa ni Kiko ngayon.
5. Lantang Gulay = Sobrang pagod
Parang lantang gulay ang inay noong dumating siya sa bahay galing sa pag-lalabada.
6. Nagsusunog ng Kilay = Masipag mag-aral
Araw-araw ay nagsusunog ng kilay ang batang si Jaime.
7. Pag-iisang Dibdib = Kasal
Malapit na ang pag-iisang dibdib nina Carlos at Gina kaya abala na sila sa paghahanda ngayon.
8. Makapal ang Palad = Masipag
Paborito ni Tiyo Berting si Richmond sa pagiging makapal palad nito.
9. Kilos Pagong = Mabagal
Binantaan na ni Cora si Theo na bawal ang kilos pagong sa grupo nila.
10. Mapurol ang Utak = Hindi matalino
Kahit mapuro ang utak ni Christopher, mabuti naman ang kanyang kalooban
Answer:
Narito ang SAMPUNG (10) halimbawa ng mga Salawikain.1. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo.
Kung hindi tayo magdudulot ng mga bagay na ayaw nating gawin sa atin ng ibang tao, pawang mga kabutihan lang mangyayari.
2. Kung ano ang puno, siya ang bunga.
Kung ano ang pinanggalingan ay siya rin ang bunga. Kadalasan, ito ay tumutukoy sa pagkakaparehas ng anak sa kanyang mga magulang.
3. Kung walang tiyaga, walang nilaga.
Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag tiyaga o magtrabaho ng maigi.
4. Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.
Sa kabila ng maraming taon at pagsubok na dumating, mauuwi pa rin sa kasalan ang relasyon.
5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
May awa ang Diyos sa tao at nais nitong tulungan sa mga problema niya sa buhay. Subalit, nasa tao pa rin kung kikilos siya o hindi.
6. Ang kaginhawaan sa kasiyahan matatagpuan at ‘di sa kasaganaan.
Kahit gaano ka masagana ang buhay ay hindi ka makakaramdam ng kaginhawaan kapag hindi ka masaya.
7. Ang buhay ay parang gulong – minsan nasa ibabaw, minsan rin nasa ilalim.
Pabago-bago ang takbo ng buhay. Minsan masaya ang mga pangyayari at madali, minsan naman ay mahirap.
8. Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin.
Kung ano ang ginagawa mo sa iba, mabuti man o masama, ay babalik rin sa iyo. Sa buhay, kung nagsusumikap ka, tiyak na may aanihin ka.
9. Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran.
Tayo ang gumagawa ng desisyon na makaka-apekto na ating buhay. May kakayahan tayong magsumikap upang marating natin ang ating nais marating kasama ng panalangin.
10. Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
Minsan, masungit ang tao kapag bagong gising lalong-lalo na kung kulang ang tulog o na-istorbo ang tulog niya. Ito ang dahilan kung bakit dapat nating iwasan ang pagbibiro sa mga bagong gising.
I HOPE MAKATULONG:)#PABRAINLEST